EK :D

18 Nov

Dapat nung wednesday ko to ipopost kasi EK namin kaso 9 pm na’ko nakauwi tapos basang-basa pa’ko.Define PAGOD.Buti na lang di ako pinapasok kinabukasan.Haha.

Anyways,yung nga nag-EK kami sponsor ng school namen.Ansabeh naman nun.Eto listahan ng pinaggagagawa ko:


1st ride: Disco magic ata yung name nun.Basta yung bagong ride nila.Saya nun.Nakakahilo nga lang kasi para siyang Anchor’s away na umiiko.IMAGINE.


2nd Ride:Rio Grande.Basa kami.’Nuff said.


3rd Ride:Bump Cars.Ride ba’toh?


4th Ride:Anchor’s Away.Nakakainis ,nakikiliti tiyan ko dito pag bumababa.LOL.


5th Ride:EKSTREME.Naiwan kaluluwa ko sa taas.


Hindi ako nag-Jungle-log ekek kasi nahihilo na talaga ako.Sunod sunod kasi yung sinasakyan namen.Nilibre ako ni Lorraine ng Blizzard sa DQ😛

6th Ride: Flying Fiesta.


7th Ride:Wheel of Faith.Ang saya sa taas although malamig.Kita mo yung mga lights.GAAAANDAAA.


8th Ride:Carousel.HAHA.


Pagkatapos namin mag-carousel pumunta kami sa Horror House.Sheeeet.May eksena kami ni Paula dun eh.10 pa lang kasi muna yung pwedeng pumasok.So may dalawang batch.Pangalawa kami ni Paula.Naiwan pa kami sa medyo loob kasi ayaw niya talaga.Basta may higitan moments na nangyari hanggang sa nakisabay kami sa sumunod na pumasok kahit di namin kilala.Di naman siya masyadong nakakatakot.Yung sa tren lang kasi may mga tao dun tapos yung isa nanghahabol pa kaya natulak ko yung nasa unahan  namin.HAHAHA.Tapos may nakakahilong part dun na para kang umiikot bago ka makalabas ng Exit.


9th Ride:Space Shuttle.Sabi ko sa sarili ko hindi ako lalabas ng EK na hindi ako nakakasakay nito.Pag nasa portion na kami na nasa loop pumipikit ako.Nakakatakot kasi eh.

Scene na nasa taas kami:

Me:”Paula,Anong ginawa kong mali?Bakit ako ginaganito?”

Trust me kung anu-ano masasabi mo pag nasa taas ka.


Last Part,Umuulan pa.Basang-basa kami hanggang pag-uwi.ENJOY.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: